Maaring hindi totoo pero pinaniniwalan ng tao. Hindi ko maintindihan pero kapag malapit ka na sa dulo maaring paniwalaan mo rin ito Wala pa talagang nakakita pero mayroong paniniwalaang hahayaan kang magtiwala at kung saan saan ka madadala Kung ano ano ang nakalakip sa kalawakan Hindi man matuklasan pero akin pa ring paniniwalaan Kapag malapit na ako sa dulo, gusto ko sanang magpakuha sa mga ito Baka kung nasan sila maibsan ang sakit na nadarama Mabawasan ang pagpatak ng mga luha hindi na mapigil sa pagbuhos Baka sa lugar na kanilang kinalalagyan ang mayroong saya na pangmatagalan Mayroong gamot sa sakit na di’ mabigyang lunas at sana tuluyan ng mawalan ang sakit na dinaranas Handa na akong magpakuha pero hindi ko alam kung nais ko ba talaga. Ang alam ko lang nais kong maging masaya kaya gusto kong magpakalayo’t maging malaya.
