Meron nga ba?

Kumikitil sa aking isipan kung bakit,
Kung bakit tayo nabuhay dito sa mundo
Para ba tuklasin ang mga tagong yaman nito o
Kilalanin pa ang mga hindi natin kasing uri dito
Mga kwentong di maipaliwanag ng sensya
Pero kay daling maging imahinasyon, diba?
Para saan nga ba ito?
Meron nga ba talaga nito?

Sa laki ng kalawakan
Ay hindi na ito matumbasan
Ngunit tayo lng ba talaga,
Tayo lng ba talaga ang nariritong may kaalaman pa?
Sa dami rami ng planetang nakakalat sa kalawakan
Mga butiin na nagkikinangan sa kalangitan
Mga batong nagliliparan sa walang hanggan

Tayo lang ba tagala?
Tayo lng ba talaga ang nag-aaral sa mga imahinasyong hindi pa natin nakikita?
Mga akala’y tao pero tao nga ba talaga?
Masmoderno pa sa NASA o hindi naman talaga?
Sasakayang nalipad gamit ang mahika o imahinasyon lng pala
Mga tanong na walang makasagot kahit na ang siyensya
Ganun talaga, nilikha tayong limitado lang ang proweba.

-Gabriel Gatbonton

Mayroon nga bang Buhay sa Ibang Planeta?

Marami akong pinaniniwalaanNa di pa napatutunayanIsang malaking katanunganSa ibang planeta nga ba’y may naninirahan?Bata pa lamang, ay marami na akong nakikitaSa dami ng planetaMataas daw ang tiyansaNa may buhay sa ibang planetaPero bakit ganun?Di tayo makahanap ng ebidensya na sila ay tunayKahit anino nila ay di matin matuntonO di kaya’y tayo lang talaga ang nabubuhayWala pang nakikitaAng aking mga mataNgunit mayroong paniniwalaNa hahayaan kang magtiwalaMaraming naniniwalaPero ako’y di nagtitiwalaDahil sa aking palagayMaaaring mayroon, maaari ring walaPero paano kung tayo lang talaga ang naninirahanSa kalawakan na marami pang di natutuklasan

-Misael Camello

Kathang isip?

Simula pa nung ako ay musmos pa lamang ay mahilig na ako manood Ng mga pelikula at cartoons, aking napapansin na madalas sa mga ito ay nakaka rating sa ibat Ibang dimension o planeta at tila nakakasalamuhang mga bagay na Hindi ko pa nakikita. Di mapakali ang pagiisip sa akin bilang bata, kung ito ba ay isang imahinasyon lamang o isang sikretong kaalaman na Hindi pwedeng malaman nino man. Kaya ngayon pa tuloy gumugulo sa aking isipan na Hindi nga ba tayo nagiisa at may mga nilalang na tayo ay pinanonood lamang.

-Hans Credo

Alien

Maaring hindi totoo pero pinaniniwalan ng tao. Hindi ko maintindihan pero kapag malapit ka na sa dulo maaring paniwalaan mo rin ito Wala pa talagang nakakita pero mayroong paniniwalaang hahayaan kang magtiwala at kung saan saan ka madadala Kung ano ano ang nakalakip sa kalawakan Hindi man matuklasan pero akin pa ring paniniwalaan Kapag malapit na ako sa dulo, gusto ko sanang magpakuha sa mga ito Baka kung nasan sila maibsan ang sakit na nadarama Mabawasan ang pagpatak ng mga luha hindi na mapigil sa pagbuhos Baka sa lugar na kanilang kinalalagyan ang mayroong saya na pangmatagalan Mayroong gamot sa sakit na di’ mabigyang lunas at sana tuluyan ng mawalan ang sakit na dinaranas Handa na akong magpakuha pero hindi ko alam kung nais ko ba talaga. Ang alam ko lang nais kong maging masaya kaya gusto kong magpakalayo’t maging malaya.

-Mark Angelo Rubio

Design a site like this with WordPress.com
Get started