Marami akong pinaniniwalaanNa di pa napatutunayanIsang malaking katanunganSa ibang planeta nga ba’y may naninirahan?Bata pa lamang, ay marami na akong nakikitaSa dami ng planetaMataas daw ang tiyansaNa may buhay sa ibang planetaPero bakit ganun?Di tayo makahanap ng ebidensya na sila ay tunayKahit anino nila ay di matin matuntonO di kaya’y tayo lang talaga ang nabubuhayWala pang nakikitaAng aking mga mataNgunit mayroong paniniwalaNa hahayaan kang magtiwalaMaraming naniniwalaPero ako’y di nagtitiwalaDahil sa aking palagayMaaaring mayroon, maaari ring walaPero paano kung tayo lang talaga ang naninirahanSa kalawakan na marami pang di natutuklasan
