Kumikitil sa aking isipan kung bakit,
Kung bakit tayo nabuhay dito sa mundo
Para ba tuklasin ang mga tagong yaman nito o
Kilalanin pa ang mga hindi natin kasing uri dito
Mga kwentong di maipaliwanag ng sensya
Pero kay daling maging imahinasyon, diba?
Para saan nga ba ito?
Meron nga ba talaga nito?
Sa laki ng kalawakan
Ay hindi na ito matumbasan
Ngunit tayo lng ba talaga,
Tayo lng ba talaga ang nariritong may kaalaman pa?
Sa dami rami ng planetang nakakalat sa kalawakan
Mga butiin na nagkikinangan sa kalangitan
Mga batong nagliliparan sa walang hanggan
Tayo lang ba tagala?
Tayo lng ba talaga ang nag-aaral sa mga imahinasyong hindi pa natin nakikita?
Mga akala’y tao pero tao nga ba talaga?
Masmoderno pa sa NASA o hindi naman talaga?
Sasakayang nalipad gamit ang mahika o imahinasyon lng pala
Mga tanong na walang makasagot kahit na ang siyensya
Ganun talaga, nilikha tayong limitado lang ang proweba.
-Gabriel Gatbonton